Pagtaya sa Heroes of the Storm
Ang Heroes of the Storm (kilala rin bilang HotS) ay isang multiplayer online battle arena (MOBA) game na binuo ng Blizzard Entertainment. Tampok sa laro ang mga character mula sa ilang Blizzard universe, kabilang ang Warcraft, Diablo, Overwatch, at Starcraft. Ang Heroes of the Storm ay orihinal na tinawag na "Blizzard DOTA" at ginawang "Blizzard All-Stars" bago binago sa huling titulo nito.
Hero Brawler
Umiikot ang Heroes of the Storm sa mga 5-versus-5 match kung saan ang player sa bawat team ay pipili ng isang character, ang bawat isa ay may iba’t ibang abilidad at Talent. Sa pamamagitan ng pagpaslang ng ibang character at mga kalabang kontrolado ng AI, nakakaipon ng experience ang mga player, na nagpapataas ng power ng kanilang character at nagbibigay ng access sa mga bagong Talent. Ang pakay ng match ay sirain ang base ng kalaban, na pinoprotektahan ng isang Fort. Bawat Fort ay naglalaman ng sariling mga tore, castle, healing fountain, at malalakas na gate na pumipigil sa mga kalaban na makapasok.
Bagong disiplina sa esports
Naging matagumpay ang Heroes of the Storm bilang isang disiplina ng esports, kung saan ang Blizzard ay nagho-host ng mga taunang tournament sa BlizzCon. Noong 2015, ang Heroes of the Storm World Championship ay may $500,000 papremyo. At minarkahan ng 2016 ang simula ng bagong Heroes of the Storm Global Championship Circuit. Ito ay pinapatakbo sa isang seasonal format, kung saan ang bawat isa sa tatlong season—Spring, Summer, at Fall—ay nagtatapos sa isang Global Championship event. Sa 2016, makukumpleto ang Circuit sa isang $1,000,000 tournament, ang Heroes of the Storm Fall Global Championship.
Ang pagpusta online sa esport sa bawat malaking propesyonal na HotS kompetisyon ay available sa gg.bet kaya huwag sayangin ang oras at magsimulang manalo!