Pagtaya sa League of Legends

Inirerekomenda

League of Legends
LoL

Ang League of Legends (kadalasang tinatawag na LoL) ay isang free-to-play multiplayer online battle arena (MOBA) na larong ginawa at inilunsad ng Riot Games.

Hamon ng Summoner

Sa League of Legends ay ginagampanan ng mga player ang papel ng isang summoner na kumokontrol sa kanilang kampeon na may mga kakaibang abilidad at nakikilahok sa isang 5-on-5 battle laban sa isang team ng iba pang mga player. Ang kadalasang pakay ay sirain ang “nexus” ng kalabang team, isang gusali na nasa gitna ng base na pinoprotektahan ng mga toreng pandepensa. Bawat match ng League of Legends ay nagsisimula na mahina ang lahat ng kampeon ngunit madaragdagan ang kanilang lakas sa pamamagitan ng pag-iipon ng mga item at experience habang tumatagal ang match.

Pinakamalaking eSports league sa buong mundo

Ang League of Legends ay isa sa mga pinakamalalaking eSports sa buong mundo. Mula pa noong 2011, nagho-host na ang Riot Games ng taunang League of Legends World Championship, kung saan 16 na propesyonal na team ang lumalaban para sa titulo ng kampeon at $1,000,000 perang papremyo. Bukod sa World Championship, nagho-host din ang Riot Games ng League of Legends Championship Series (LCS) – dalawang propesyonal na liga ng eSports. Sa LCS, dalawampung team ang naglalaban sa magkakaibang liga sa North America at Europe, sampung team sa bawat rehiyon. Hinahati sa dalawang bahagi ang dalawang liga, isang “split” ang ginaganap sa spring at isa sa summer.

Nag-aalok kami ng maraming kapana-panabik na oportunidad para sa pagpusta sa esports sa bawat major League of Legends tournament, kaya huwag palampasin ang tsansa mong manalo kasama ang mga paborito mong team!